Bulong
“Kumusta ka na?”
Sana'y lagi kang masaya...
Ako? Heto, tulad ng dati...
Nababalisa, 'di mapakali...
Maraming ginagawa
Pero ikaw ang nasa alaala...
Kumain ka na ba?
Huwag magpakapagod ha?
Sana kasama kita
Nakakausap. Nakikita...
Nayayakap. Nahahagkan...
Kapiling, magdamagan...
Sadyang kayhirap
Pag-abot ng mga pangarap
Kung ang kapalit nama'y
Sa'yo mawawalay...
Ambagal ng panahon,
Hindi naman mahabol.
Pagsapit ng dapit-hapon,
Tila naman gahol.
Basta hintayin mo ko sinta,
Sa akin huwag sanang magsawa
Inspirasyon iyong pang-unawa
At masasayang mga alaala...
Pinapahalagahan kita
Kahit tayo'y magkalayo.
Pakinggan sigaw ng puso
Ibubulong sa dagat ibayo...
Originally written February 16, 2008.
ReplyDeleteMusic: Sun and Stars by Really Slow Motion