Pagsuyo sa Bagyo

 

Nagngangalit ang langit,

Maingay tila panday.

Dumadagundong ang kulog, tila gulong

Kidlat!

na nakakagulat.

 

Madilim., 'di masalamin,

Balot ng takot at lungkot.

Malamig,

Ngatal ang bibig.

Hangin, tila galit na hininga.

 

Naghahabulan ang ulan.

Mga tao,

'di magkandatuto.

Dama ng mga bata

Ang sayang nasayang.

 

Bagyong delubyo

Pag-asang basambasa

Pangarap na aandap-andap

Tila apoy

ng panaghoy.

 

Subalit...


 Ang lakas ng hangin magwawakas.

Ang ulan titila, 'wag mag-alala.

Manalig sapagkat maririnig

ng kalikasan

kinabukasan.

 

Liwanag

mababanaag.

Magtiwala sa bagong umaga

Tula at tugma ng pag-asa

Buhay na makulay.


Maghahari

ang bahag-hari.

Ang mga ibon ay huhuni,

Ang langit ay magwawagi

sa pagsuyo sa bagyo.

Comments

  1. Originally written October 6, 2011 / Image from Google search.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Paul's Journey to The Road of Damascus Leading to The Door of Faith

Faith 101: Keeping Still, but Moving Forward

How Christians Can Build Each Other Up?